Wag kang makielam. Dumaldal ako nung Wednesday, August 09, 2006.


Alam niyo bang nagkaroon ako ng matinding trauma sa mga hagdan?

Ganito kasi yon...

Nagsimula ito nung tinawag ako ni Ms. Zamora (Yeah! Bigla akong nagising nung geom). Tinawag niya ang pangalan ko at may inabot sa'king papel. Nako! Pinapatawag ako sa guidance office!

Tapos ayan, dismissal na. Lakad kami ni Clacky papuntang canteen sabay tuloy naman ako sa office.

Ayan, lakad. Pasok. Labas.

Nung asa hagdan ako sa tapat ng office, oo mga pare. Yung hagdang iilan lang ang steps.

Lakad ako sabay...



*TOINK*



Nadulas ako! Biruin niyo yun, ilang steps lang yun. Pero tayo naman ako sabay lakad ulit. Para kunwari walang nangyari. :)) Nung oras na yun, tawang tawa na talaga ako. Gusto ko na talagang tumawa kahit nakaluhod pa ako dun. Napangiti lang ako kasi wala akong kasama. Baka mapagkamalan pa ako. Buti na lang hindi ako nerbyosa o maingay kaya medyo naiwasan kong makita ng iba ang kahihiyan ko. Kung napasigaw ako, edi agaw atensyon at nagsitinginan silang lahat. Edi mas hindi ako makakatawa sa ganoong lagay 'di ba?

Yan ang istorya kong punong puno ng kahihiyan.

Diyan nagsimula ang takot ko sa hagdaan magmula sa araw na ito.

Nawa'y hindi na mangyari ulit.

Sandali, may mabuting balita din ako. Dinalaw ako ng kaunting swerte. Pagtingin ko sa paligid ko... yes! Walang third year. Kung sakali man, nako! Edi sikat ako! :))








Tangkie Hmm, ako si Tangkie. Isang gago, siraulo, tarantado, perwisyo, epal, balasubas, barubal, salaula, ulul, may topak, laitera, isanabera, brutal, may tililing, maka-BALETE, maka-butete, maka-bampira, laitera at dakilang nilalang. Pero hulaan niyo... SWEET daw ako? :)

Frienster: t@ngkie.com
YM: tangkierawr

You may add me to your list but be sure to introduce yourself first ok?











Tangkie
Tangkie2
July 2006
August 2006
September 2006