Wag kang makielam. Dumaldal ako nung Saturday, July 22, 2006.


Hah, I don't really have much to say for now. I woke up late today. Around 11am. I haven't taken my breakfast yet when Lola called me taught me how to make leche flans (oha, kala ko date "PLAN" yun). Then after cooking, that's the only time I remembered that I was suppose to go to Patnun's house. Actually we have to finish all the props for the nutri-jingle by Monday. I borrowed Mommy's phone and inserted my sim. I recieved a message from Meg. It says something like this:


"Patnun, Brenda, Pia, Ver, Nicole and Mikee..galingan nyo paggawa ng chuva natin ah."




-EDITED-

Eto pa. Naghesitate akong isulat to nung una kasi parang ang epal naman sa blog diba? Pero anyway, kaylangan ko lang ng outlet. Game. Nakita kong may iba pang messages. Nung binuksan ko yung message ni 12 (???) Ewan. Alam niyo yung feeling ng biglang sinuntok sa may tapat ng puso? Naluluha na lang ako nung mga oras na yun. Tama na rin pala yung desisyon kong lumayo na sa kanya. Mas narerealize ko ngayon na napakarami ko na talagang nagawang mga pagkakamali sa loob ng 15 taon. Isa na yung pagpapawalang-bahala ko sa mga taong nagpapahalaga sa'kin. Ayokong sabihin to pero "antanga" ko. Hinayaan kong mawala sa akin yung isang importanteng tao ng ganon na lang. Ang malala, nawala na pala siya sakin dahil sa isang away. Kung kelan ako nagsimulang matakot na mawala siya, yun din pala yung oras na unti-unti na siyang napapalayo sakin. Ngayon ko masasabing mahal ko siya. Kung kelan huli na. Huling huli na. Hindi lang oras, minuto o sigundo ang pinag-uusapan dito dod (kung sino ka mang nakakabasa nito). Matagal na palang huli ang lahat.




"Ang lihim na luha ay may katumbas na lihim na ligaya"


Hahaha! Tigilan na nga ang kalokohang to. Hindi ko na kaylangan magdrama. Tutal, wala namang talent fee e. Ayoko pa pong sumikat. Hindi ko pa time. Baka mamaya, madiscover ako. Ayoko pang maexpose. Konting oras pa. Dadating din ang oras ng pagsilat ko. Hahaha! Chaka I'm sorry but I don't make luha coz my make up's sayang. And it's kapagod to retouch noh. ----- na lang isipin ko. Ako nga si Miss Optimistic diba? At least sya, napapangiti niya ko. Oha! :))








Tangkie Hmm, ako si Tangkie. Isang gago, siraulo, tarantado, perwisyo, epal, balasubas, barubal, salaula, ulul, may topak, laitera, isanabera, brutal, may tililing, maka-BALETE, maka-butete, maka-bampira, laitera at dakilang nilalang. Pero hulaan niyo... SWEET daw ako? :)

Frienster: t@ngkie.com
YM: tangkierawr

You may add me to your list but be sure to introduce yourself first ok?











Tangkie
Tangkie2
July 2006
August 2006
September 2006